^

PM Sports

Sino ang papalit kay Ayo sa UST?

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy na nadaragdagan ang mga aplikante para sa  head coaching job  sa University of Santo Tomas (UST) at inaabangan ng lahat kung sino ang papalit sa nagbitiw at na-ban na si Aldin Ayo.

Mga proud Thomasian alumni at ilang dekalibreng mentors ang nauna nang nag-apply at nitong huli ay  nadagdag sina Lenny Reyes, Chris Daleo at Jinino Manansala na naitalaga ring head coach ng UST Tiger Cubs bago pumutok ang Sorsogon bubble controversy.

Assistant coach din si Manansala sa UST seniors team kasama si McJour Luib na nagbitiw sa naturang  puwesto kasabay ni Ayo.

Si Daleo naman na head coach ng Thailand national team na nag-uwi ng silver medal sa likod ng Gilas Pilipinas noong 30th Southeast Asian Games ay interesado sa consultant role sa UST dahil sa pagmamahal niya sa Philippine basketball playstyle.

Ang mga naunang aplikante ay sina Siot Tanquing-cen, Ed Cordero, Gilbert Lao, Estong Ballesteros, Chris Cantonjos, Potit De Vera at Aries Dimaunahan na pare-parehong produkto ng España squad. Nag-apply din sina Rain or Shine assistant coach Chris Gavina at le­gendary Alaska import Sean Chambers.

Nauwi sa biglaang paghahanap ng bagong mentor ang UST ngayon matapos malagay sa sentro ng kontrobersiya si Ayo simula pa noong nakaraang buwan na nagbunga sa kanyang resignation at parusang indefinite ban sa UAAP.

vuukle comment

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with