^

PM Sports

Chambers, Dimaunahan kabilang na rin sa kandidato

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Chambers, Dimaunahan kabilang na rin sa kandidato

Sa binakanteng puwesto ni Ayo

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang bilang ng mga aplikante para sa head coaching post ng University of Santo Tomas (UST) na nabakante ni Aldin Ayo.

Sina Blackwater assistant coach Aries Dimaunahan at legendary PBA import Sean Chambers naman ang nagpasa ng kanilang letter of intent kay UST-Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) director Fr. Ermito de Sagon, OP.

Ang mga nauna nang candidates na sina Rain or Shine assistant coach Chris Gavina at mga Thomasians na sina Potit De Vera, Siot Tanquincen, Gilbert Lao, Estong Ballesteros, Chris Cantonjos at Ed Cordero.

Produkto rin ng UST si Dimaunahan bagama’t hindi nakapaglaro sa UAAP noong 90s dahil sa kanyang stint sa RP Youth Teams sa SEABA at Asian Basketball Confederation (ABC) U18 Championships na kilala na ngayong bilang FIBA Asia.

Matapos ang kanyang Growling Tigers stint, nakilala ang shooter na si Dimaunahan sa PBL bago umakyat sa PBA bilang top overall pick ng Barangay Ginebra noong 2002.

Naging 11-year pro veteran siya buhat noon at naging assistant coach ng Blackwater sa kanyang pagreretiro noong 2013.

Sa pagbibitiw sa puwesto ni coach Bong Ramos noong nakaraang taon, ang 42-anyos na si Dimaunahan ang nagsilbing interim coach ng Elite bago bumalik bilang lead deputy sa pagkakatalaga kay Nash Racela ngayong taon bilang bagong team head coach.

Si Chambers, six-time PBA champion at naging resident import noon ng Alaska, ay kapareho ni Gavina na non-Thomasian applicants.

Subalit hindi biro ang karanasang maitutulong ni Chambers lalo’t kasalukuyan itong Dean sa Fern Bacon Middle School sa Sacramento.

Hindi na rin iba ang UST kay Chambers nang mapalapit siya sa koponan noong 90s dahil sa namayapang si Aric Del Rosario na assistant coach ni Tim Cone noong panahong iyon.

Wala pang desisyon ang UST sa kung sino ang susunod na coach ng Tigers matapos ang pagbibitiw ni Ayo na pinatawan ng indefinite ban sa UAAP dahil pa rin sa kontrobersiyal na Sorsogon training bubble.

vuukle comment

UST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with