Ibang balls na ang bet ni Tyang Aby
MANILA, Philippines — Kung dati ay volleyball ang nilalaro ni Aby Maraño na kilala sa tawag na Tyang Aby, ibang balls na ngayon ang gusto niyang laruin.
Dahil hindi pa makalaro ng volleyball si F2 Logistics Cargo Movers star na si Maraño , sinubukan muna niyang ng humawak ng tako para tumumbok ng balls sa larong billiards.
Sa Instagram account ni 27-gulang na si Maraño, nag-post ito ng litrato sa billiards table, may hawak na tako at may caption na “Let me try this game”.
Hindi pa puwedeng magbalik-laro ang UAAP, NCAA Philippine Superliga, (PSL) at Premier Volleyball League, (PVL) kaya kanya-kanyang pagpapakundisyon muna ang mga volleyball stars.
- Latest