Celtics vs Heat
Pinatalsik ang Raptors
LAKE BUENA VISTA, Florida — Kasado na ang Eastern Conference finals series ng Boston Celtics at Miami Heat.
Kumolekta si Jayson Tatum ng 29 points at 12 rebounds para tulungan ang Celtics na patalsikin ang nagdedepensang Toronto Raptors, 92-87, sa Game Seven ng kanilang semifinals duel kahapon dito sa NBA bubble.
Nagdagdag si Jaylen Brown ng 21 points, 8 rebounds at 4 steals para sa Boston, tinapos ang kanilang serye ng Toronto sa 4-3 at lalabanan ang Miami ni Fil-Am coach Erik Spoelstra sa East Finals.
Nag-ambag si Marcus Smart ng 16 points kasunod ang 14 markers ni Kemba Walker para sa No. 3 seeded Celtics.
Binanderahan ni Fred VanVleet ang Raptors sa kanyang 20 points, habang may 16, 14, 13 at 11 markers sina from Kyle Lowry, Serge Ibaka, Pascal Siakam at Norman Powell, ayon sa pagkakasunod.
Bumangon naman ang Denver Nuggets mula sa 15-point, second-half deficit para resbakan ang Los Angeles Clippers, 111-105, sa Game Five ng kanilang Western Conference semifinals showdown.
Humugot si Paul Millsap ng 14 sa kanyang 17 points sa third quarter at nagsalpak si Michael Porter Jr. ng mahalagang 3-pointer para tulungan ang Nuggets na ilapit sa 2-3 ang kanilang serye.
Humataw si Jamal Murray ng 26 points para sa Denver.
- Latest