Ika-21 anniversary ng Manny-Jinkee
MANILA, Philippines — Ipinagdiwang kamakalawa ng Pambansang Kamao at eight division world champion na si Manny Pacquiao at ng misis niyang si Jinkee ang kanilang ika-21st wedding anniversary.
Sa Instagram, nagpost ng throwback pictures ng kanilang simpleng civil wedding ceremony si Jinkee at makikita rito na malayo na talaga ang narating ng pagsasama ng dalawa.
“1999. The two are united into one (Genesis 2:18) Then the Lord said, ‘it is not good for the man to be alone. I will make a helper who is just right for him.’ God gave me, you,” caption ni Jinkee sa kanilang mga wedding pictures. “21 years and counting! Grabe, how time flies. Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan, nalampasan ang mga pagsubok at ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon! I love you, babe. God is good all the time.”
Nagbunga ng limang anak - tatlong lalaki at dalawang babae - ang pagsasama nila.
Sa ngayon, bonding moment ng mag-asawa ang pagsabak nila sa mga boxing training sa General Santos City habang naghihintay pa ng susunod na laban si Manny.
- Latest