^

PM Sports

Ayo aapela

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iaapela ni dating UST Growling Tigers head coach Aldin Ayo ang mabigat na parusa ng UAAP na patawan siya ng indefinite ban.

Ayon sa kanyang opisyal na statement, sinabi ng nagbitiw na mentor na “not appropriate under the circumstances” ang desisyon ng UAAP na nagbabawal sa kanyang maging bahagi ng liga sa kahit anong kapasidad at kahit na anong event.

“I deeply feel that the indefinite ban imposed by the UAAP Board against me is not appropriate under the circumstances. I will seek a reconsideration of such action,” ani Ayo.

Sa simula nitong linggo ay inanunsyo ng UAAP, ayon sa makapangyarihang Board of Trustees na binubuo ng mga president ng walong member schools ang indefinite ban kay Ayo bilang ‘pasimuno’ sa training bubble ng UST sa kanyang hometown sa Sorsogon.

Batay sa rekomendas­yon ng UAAP Board of Managing Directors at ng UST internal report ang desisyon ng BOT dahil nalagay anila sa a­langanin ang kapakanan ng mga student-athletes sa gitna ng pandemya sa ilalim ng pangangalaga ni Ayo.

Bagamat aminado si Ayo sa kanyang pagkakamali at natuto na aniya sa nangyari, umaasa siyang mapapagaan ang kanyang parusa para sa hangaring makabalik ulit sa c­oaching sa hinaharap.

Bago pa ang UAAP sanction kay Ayo ay nagbitiw na siya sa pwesto noong nakaraang linggo habang nasa gitna pa rin ng imbestigasyon ang Commission on Higher Education, Department of Justice at Department of Interior and Local Government ukol sa Sorsogon bubble.

 

vuukle comment

ALDIN AYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with