^

PM Sports

Bisita sa Bubble

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nabanggit ni NLEX coach Yeng Guiao ang mental health na kasamang isyu kung sakaling matutuloy ang PBA bubble.

Isa si Guiao sa agresibong nagtutulak ng PBA resumption kahit na nasa gitna pa tayo ng pandemya. Pero ang kanyang mungkahi ay compact tournament.

“Ang hirap ‘pag ‘di iko-compress. Kapag mahaba sa loob ng bubble, masisiraan ng ulo ‘yung mga players, lalo na ‘yung mga coaches,” ani Guiao.

Malamang na kasama sa konsiderasyon ng NBA ang kaparehong isyu sa desisyon na unti-unting tumanggap ng bisita sa kanilang Walt Disney World bubble simula noong Aug. 31.

Nauna nilang binuksan ang pintuan para sa mga bisita ng mga players.

Sa Sept. 21, papayagan na rin tumanggap ng bisita ang mga NBA coaches at team staffers.

Pero dapat nakapag-self quarantine na ang mga posibleng bisita bago tumulak sa Central Florida, kung saan magsisimula sila ng panibagong lockdown bago tuluyang payagang makasalamuha ang kanilang mga bibisitahin.

Kung makapasok sila sa Sept. 21, swak ang ti-ming sa pagsisimula ng NBA finals.

Pero gaya ng NBA players, kailangan nilang manatili sa bubble. Ibig sabihin ay hindi sila puwedeng gumala sa Disney theme parks hanggang hindi tapos ang NBA Season.

Dadaan din sila sa bagay na pinagdaraanan ng mga players – araw-araw na COVID-19 testing, ang pagsusuot ng mask at pagpapatupad sa iba pang safety measures. Higit sa lahat, kailangan ang halagang $550  (halos P27,000) sa bawat araw na pa-nanatili sa NBA bubble. Araguy!

vuukle comment

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with