^

PM Sports

Abando, Bataller, Paraiso makakalaro agad sa Letran

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puwede nang sumalang agad sina dating UST Growling Tigers Rhenz Abando, Ira Bataller at Brent Paraiso sa powerhouse at NCAA defending champion Letran Knights kung patuloy na maantala ang pagbubukas ng Season 96.

Ayon sa NCAA rules, eligible na agad ang sinomang transferee student-athlete basta’t matatapos nito ang isang full academic year o dalawang semesters sa nilipatang pamantasan.

Posible itong mangyari kina Abando, Bataller at Paraiso kung maaantala hanggang Mayo 2021 ang susunod na NCAA season – iho-host ng Letran – bunsod pa rin ng pandemya.

Kung sakali, aabutan ng tatlong bagong Letran cagers ang mga graduating Knights na sina Larry Muyang, Jeo Ambohot at Ato Ular para palakasin ang hangarin ng Knights na makasikwat ng ikalawang sunod na kampeonato.

Pero kung matutuloy na ang NCAA sa target nitong Season 96 opener sa unang quarter ng 2021, hindi pa magiging eligibile to play ang mga ex-Tigers players at sa Season 97 pa magiging opisyal na Knights.

Sa puntong iyon, solido pa rin ang makakasama nilang Letran squad sa panguguna ng matitirang pambato na si Fran Yu, na siyang trumangko sa kanilang Season 95 championship kontra sa San Beda tungo sa pagsungkit ng Finals MVP plum.

Makakasama rin nila ang iba pang solid Letran recruits na sina Rafael Go ng Chiang Kai Shek, Yuki Kawamura ng Perpetual gayundin sina Jeff Mailim at Jimly Lantaya ng NU.

Kamakalawa ay ganap na ang paglipat nina Abando, Bataller at Paraiso sa Intramuros team mula sa ­España squad bunsod pa rin ng kontrobersiyal na training bubble sa Sorsogon. Sina CJ Cansino at Jun Asuncion ay tumalon na rin sa UP at Mapua, ayon sa pagkakasunod, habang posibleng manatili sina Soulemane Chabi Yo, Mark Nonoy at Sherwin Concepcion.

 

vuukle comment

UST GROWLING TIGERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with