^

PM Sports

Ang asam na vaccine

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Karipas sa karera sa pagtuklas ng vaccine kontra sa COVID-19 ang maraming bansa sa pangunguna ng United States.

Target daw ng US ang buwan ng Nobyembre para sa distribyusyon ng vaccine.

Kasama rin sa bumabandera sa karera ang Russia, Great Britain, Germany, Australia, India at China.

At hindi nagpapaiwan ang Japan, bansa na may malaking hangarin na makatuklas ng pamatay o pan-laban sa coronavirus upang maisalba ang pagdaraos ng Tokyo Olympics sa July 2021. Kung hindi’y bil-yun-bilyong investments at kung anu-anong pinagkagastusan ng mga Hapones ang liliparin ng hangin.

Ang Philippine sports ay kasama sa umaasa na matuloy ang Tokyo Olympic Games lalo na’t nakikita ang momentum at peak form ng maraming Filipino athletes na maaaring makamit ang mithiin ng bansa na masungkit na ang kauna-unahang medalyang ginto sa Olympiada.

Sana naman!

Medal bets sina gymnast Caloy Yulo, weightlifter Hidilyn Diaz at pole-vaulter EJ Obiena.

Mainit ang pinapalo sa golf ni Yuka Saso.

At laging contenders ang mga Filipino boxers. Isama na rin ang mga taekwondo jins.

‘Yung nga lang, kailangan munang matuklasan ang tatalo sa COVID-19.

Kung walang vaccine, baka walang Olympics.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with