NBA G League Ignite ang bagong team ni Sotto
MANILA, Philippines — G League Ignite ang magiging opisyal na pangalan ng koponan nina Kai Sotto at iba pang top high school standouts sa paparating na NBA G League 2021 Season sa U.S.
“The next generation of stars has a name, G League Ignite,” anunsyo ng NBA G League.
Nangyari ang opisyal na team name announcement ng G League select team kasunod ng pagbubukas ng training camp nito, apat na buwan pa bago ang nakatakdang season opener sa Enero.
Sa Walnut Creek, California ang magiging homecourt ng G League Ignite.
Makakasama ni Sotto sa Ignite sina Jalen Green, Daishen Nix, Isaiah Todd, Jonathan Kuminga at Princepal Singh sa pamumuno naman ni coach Brian Shaw.
Sasailalim sa exclusive NBA training coaching at Ignite bilang bahagi ng reshaped pro pathway program ng G League patungo sa NBA.
Bukod sa regular na G League calendar, magkakaroon din ng exhibition matches ang Ignite kontra sa international ball clubs para sa misyong maihanda sila sa pag-akyat sa NBA simula sa 2022.
- Latest