Tiktok ng lookalike ni Kiefer Ravena nag-viral
MANILA, Philippines — Tuwang-tuwa si NLEX Road Warriors shooting guard Kiefer Ravena sa nag-viral na tiktok video ng kanyang ka-lookalike na si Gene Mercado habang sinasayaw ang uso ngayong ‘It Really Hurts’ dance craze.
Sa Twitter pinost ng Legal Management student mula sa La Salle ang kanyang TikTok video patungkol sa hirap ng online classes ngayong panahon.
Maraming netizens ang nag-react sa post na ito at may halos 1.2 million views at kabilang ang five-time SEA Games gold medalist na si Ravena sa mga natuwa kaya ni-retweet niya pa ito.
“Hindi ako ‘to. It really hurts na hindi n’yo ako kilala,” nakakata-wang komento ni The Phenom sa viral TikTok video na sinagot naman ni Mecado ng: “Main difference: Kiefer Ravena can dunk, while I can’t even touch the board.”
Ilang volleyball players din ang hindi napigilan na matawa rito gaya ni Gretchen Ho na napa-tweet ng: “Anobayan! First video I see ‘pag gising. @kieferavena Bagong career!!!! Pano ba ‘yan @AlyssaValdez.”
- Latest