Tyang Aby nagba-bike na rin
MANILA, Philippines — Sumabak na rin si Philippine women’s volleyball national team captain Aby Maraño sa pagbibisikleta.
Kahit first time lang mag-bike, umabot sa 42 kilometro ang pinedal ng F2 Logistics Cargo Movers middle blocker sa ilang lansangan ng Kamaynilaan.
Nabili ni Maraño sa isang local bike shop ang kanyang bisikleta pero inabot aniya ng halos tatlong buwan bago niya nakuha ang ninanais na bisikleta.
“Come ride with me when you are free. Finished 42km today, not bad for the first timer. Yeah?” ani five-time Philippine Superliga (PSL) champion sa kanyang Instagram post na picture para ibida ang bago niyang bike na pinangalanan niya ng ‘Pharsa’. “I’m so happy I got a new cardio workout buddy!”
Parami na nang parami ang local athletes na nagbababik tulad nina PBA stars Jio Jalalon, Vic Manuel at Rey Nambatac pati ang mga volleyball stars na sina Bryan Bagunas, John Vic de Guzman at Amanda Villanueva.
- Latest