Manny at Jinkee may pinaghahandaan
MANILA, Philippines — Hindi na simpleng exercise lang ang ginagawa ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao dahil mukhang seryosong training na ang ipinasilip ng Pambansang Kamao sa kanyang fans at followers sa Instagram.
Sa lagpas three-minute video na pinost ni Pacman, sinimulan ng dalawa ang kanilang sabay na abs at leg exercises hanggang sa magsolo na si Manny nang mag-jump rope at shadow boxing siya habang si Jinkee ay sa pagsuntok sa pads nakatutok.
“Guys, you see, I’m taking care of the stamina and she’s taking care of the punches. You see that [there’s] no problem,” sabi ng eight-division world champion.
Matapos ang ilang sandali ay si Manny na ang tumulong kay Jinkee sa punching exercise nito habang suot ang focus pads at itinuturo sa misis ang tamang gawi at kilos.
Tinapos ng mag-asawa ang kanilang session sa pamamagitan ng pagdya-jogging sa paikot sa basketball court. May halos 700k views at 107k likes na ang workout vi-deo na ito.
- Latest