^

PM Sports

Players, teams nagparamdam ng kanilang galit

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kanya-kanyang pagpaparating ng galit ang mga players at teams ng iba’t ibang liga sa pagkamatay ng isa na namang black American na si Jacob Blake sa kamay ng mga pulis.

Sa social media, galit na galit si Lakers superstar LeBron James sa ginawang pagbaril ng pitong beses sa nakatalikod na si Blake sa harap ng kanyang anak sa Kenosha, Wisconsin noong Agosto 23.

“F*** this man!!!! We demand change. Sick of it,” ani James sa kanyang Twitter account.

Hindi rin nagpaawat si Utah Jazz ace player Donovan Mitchell na maglabas ng saloobin patungkol sa isyu na ito “F the Games ang playoffs!!!! This is sick and is a reak problem, we demand justice! I dont have any words but WTF man! That’s why we ‘dont fell safe!!!”

Binoycott ng Milwaukee Bucks ang laban kontra sa Orlando para sa Game 5 ng kanilang first round playoff series at tuluyan na ring pinospone  ng NBA ang dalawa pang playoff games na nakatakda kahapon.

 Ilang mga sporting events din na naka-schedule kahapon ang nag-postpone gaya ng Women’s National Basketball Association (WNBA), Major Baseball League (MLB), Major League Soccer (MLS) at National Hockey League (NHL).

Kanya-kanya rin ng statement ang iba’t ibang teams sa pagkondena sa racial discrimination.

Tumalima rin sa mga protesta na ito si world’s number 10 tennis player Naomi Osaka nang inanunsyo niya na hindi siya maglalaro sa Western at Southern Open semifinals ngayon araw.

“Before I am an athlete, I am black woman. And as a black woman I feel as though there are much important matters at hand that need immediate attention rather than watching me play tennis,” sabi ni Osaka.

Si Blake ang isa mga lumulubong numero ng mga naging biktima ng racial discrimination at profiling sa US matapos patayin ng Minneapolis police si George Floyd na dinaganan ng tuhod ng isang pulis hanggang mamatay ito noong Mayo at kay Breonna Taylor na binaril ng Louisville police sa loob ng bahay nila noong Marso.

 

vuukle comment

JACOB BLAKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with