^

PM Sports

Pumutok na bubble

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Hindi kagalingang player pero maagang nagpa-kita ng galing sa coaching ang dating Letran Knight na si Aldin Ayo.

Bilib ako sa paggiya niya papunta sa tuktok ng basketball glory sa Letran Knights sa NCAA at pagkatapos ay ang La Salle Archers sa UAAP.

Bagong salta pa lamang sa España ay dinala niya agad ang UST Tigers sa UAAP finals noong nakalipas na UAAP season.

Mas mapapabilib ako ni Ayo kung hindi na siya magpapatumpik-tumpik pa at yakapin na ang dapat yakapin sa balitang pagdadala sa mga Tigers sa kanyang bayan sa Sorsogon para sa kubling pag-eensayo sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Dapat nga ay hindi na niya hinintay pa ang pag-alagwa ng mga matitibay na pagpapatunay sa kanilang Sorsogon training bubble na labag sa government guidelines.

Makisig na makisig sa loob ng basketball court sa pagdidisiplina sa  mga players at mas astig pa nga kapag kumukompronta ng mga referees kapag sa tingin nito ay mali ang itinawag.

May mga published photos  pa nga na nagdudumilat habang binibigyan ng eyeglass ang isang game official.

Man up! Aminin ang dapat aminin at huwag nang idamay pa ang mga kabataang manlalaro na dinala sa Sorsogon adventure.

Ganoon din ang pa-nawagan ng marami sa mga responsableng opis-yal ng UST.

Araguy! Pumutok ang bubble!

 

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with