^

PM Sports

Selebrasyon ng birthday ni Kobe Bryant

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Selebrasyon ng birthday ni Kobe Bryant
Kobe Bryant at LeBron James

MANILA, Philippines — Pinangunahan ng asawa ni Kobe Bryant na si Vanessa,  LeBron James at ng LA Lakers team ang pag-alala ng buong mundo sa kaarawan ng yumao nang basketball superstar na 42 taon na sana noong Linggo.

Bukod sa video na pinost ni Lebron sa Instagram kung saan kinantahan ng ‘Happy Birthday’ si Kobe sa isang team dinner, nagkalat ang iba’t ibang tribute para sa ‘Black Mamba’ sa social media.

Nawala man sa mundo dahil sa helecopter crash noong Enero kasama ang kanyang anak na si Giana, marami pa rin ang nagluluksa sa pagkawala ng sinasabing greatest basketball player na hinding-hindi mawawala ang legacy na kanyang iniwan para sa lahat.

Si Vanessa ay nag-post ng kanilang picture ni Kobe sa Instagram kasama ang mahabang mensahe na punumpuno ng pagmamahal at kalungkutan  dahil nami-miss na niya ang kanyang mag-ama.

Ang Lakers ay nag-tweet ng black and white photo ni Kobe  na may  “Happy Birthday” at may mensaheng “we miss you every day.”

Marami ring NBA players ang bumati at nag-post ng picture ni Kobe at hindi rin nagpahuli ang mga local athletes.  Ipinamalas  nina National University Lady Bulldogs Christiana Dimaunahan at men’s national volleyball middle blocker Rex Intal ang kanilang artistic side para alalahanin ang five-time NBA champion.

May pagbati rin sina Shaun Ildefonso, Alyssa Valdez, Vic Ma-nuel, Jeff Chan, Jio Jalalon, Deanna Wong at marami pang iba.

vuukle comment

KOBE BRYANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with