^

PM Sports

Welcome na welcome si CJ Cansino kay UP ace player Ricci Rivero

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Welcome na welcome si CJ Cansino kay UP ace player Ricci Rivero
CJ Cansino at Ricci Rivero

MANILA, Philippines — Ang UP ace player na si Ricci Rivero ang unang nag-welcome sa kontro­bersiyal na cager ngayong si CJ Cansino na biglang lumipat  sa Maroons mula sa UST Tigers.

Picture kasama si Cansino matapos nilang magkita ang shinare ni Rivero sa kanyang Instagram account na @ricciiirivero para sa kanyang mga fans at followers.

“Nag-email ako for collab buti napansin ako. T’was a good conversation and welcome @cjcansino #nowheretogo-butup,” caption ni Rivero sa post na may sobrang 107k likes na ngayon.

“Let’s goooo!!” ang sagot ng dating UST cager sa post na ito at halatang excited na siyang maglaro para sa kanyang bagong koponan.

Naging laman ng ba-lita si 6-foot-2 guard na si Cansino matapos tanggalin sa men’s basketball team ng UST pero wala siyang ibinigay na dahilan patungkol dito.

Sinasabing ang dahilan ay ang kagustuhan niyang lumabas muna sa diumanoy training ‘bubble’ ng UST sa Sorsogon para mabisita ang kanyang pamilya sa Valenzuela City ngunit tinanggal siya ni UST coach Aldin Ayo sa line-up.

Gayunpaman, ayaw kumpirmahin o ideny ni Cansino kung totoo ang Sorsogon bubble.

“Hindi ko po mako-confirm kasi ayaw ko naman po na sa akin manggaling lahat dahil first of all, ayoko po masira kung anong na-build ng UST. Sobrang laki ng natulong nila sa akin. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanila,” ani Cansino. “Ayaw ko po na ako ang maging dahilan kung ano man iyon. Sila nalang po sana ‘yung tanungin ng mga tao at ‘wag na ako.”

Matapos lumabas ang balita sa pagkakasibak ni dating UAAP season 80 Juniors MVP sa Tigers, maraming eskuwelahan ang naglabas ng interes sa kanya gaya ng Ateneo, La Salle, NU, FEU, San Beda at Letran pero UP ang kanyang napusuan.

May isang taong residency na gugugulin si Cansino kasama ang iba pang recruits ng Diliman-based squad bago sila makasabak sa aksyon.

vuukle comment

CJ CANSINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with