^

PM Sports

May pa-fireworks ang Japan sa ‘di natuloy na Olympics?

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
May pa-fireworks ang Japan sa �di natuloy na Olympics?

MANILA, Philippines — Naging usap-usapan kamakailan sa social media ang kumalat na video na fireworks sa Tokyo, Japan na diumano’y para sana sa opening ceremonies ng naurong na Tokyo Olympics.

Kakaiba, makulay, bongga ang very synchronized na fireworks display na ang backdrop ay isang bundok na tila Mt. Fuji.

Matatandaan na nagpasya ang International Olympic Committee (IOC) na ipagpaliban ang pagdaraos ng quadrennial sporting event na bubuksan sana noong July 24 ngunit iniurong ito sa susunod na taon  dahil sa laganap na COVID-19 sa buong mundo.

Ginamit diumano ang mga pyrotechnics dahil hindi  na raw ligtas na itago pa ang mga paputok hanggang sa susunod na taon, sabi pa sa isang video.

Ayon sa artikulong inilabas ng Gulf news website, hindi totoong ang fireworks ay para sa 2020 Summer Games dahil taong 2015 pa ito lumabas at gawa ng isang fireworks simulating site.

Isang fact-checking site na Boom ang gumawa ng pagre-reverse ng nasabing video at napag-alaman nila na noong Disyembre 1, 2015 pa na-upload ang video at ginawa ito para ipagdiwang ang pagkakarehistro ng Mt. Fuji sa World Cultural Heritage.

vuukle comment

FIREWORKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with