Gretchen Ho mamimigay uli ng bikes
MANILA, Philippines — Mamimigay ng 50 pirasong foldable bike ang dating volleyball player at ngayo’y TV personality na si Gret-chen Ho na proyekto ng ‘Woman In Action’ para sa mga mangaggawa na kanilang magagamit papasok sa trabaho.
“Giving away 50 bikes to 50 deserving people. Because a Bike can spell the difference between keeping a livelihood or not,” ani Ho sa kanyang Instagram post.
Hinikayat niya ang kanyang followers at ibang netizens na mag-apply ang mga ito at patunayan sa kanila kung bakit sila ang karapat-dapat na bigyan ng bike. Puwede ring mag-no-minate ng iba nilang kakilala na alam nila na deserving ng bike kung ang mga ito ay walang internet connection.
“Donate a bike, save a Job. If you want to be part of this project, you may contribute cash donations, just send me message via social media or email [email protected],” hikayat pa ni Ho.
- Latest