^

PM Sports

Giannis may pinatunayan kahit nasuspindi

Pang-masa
Giannis may pinatunayan kahit nasuspindi
Giannis Antetokounmpo

MANILA, Philippines — Kahit sinuspindi ng NBA si Milwaukee Bucks star Giannis Antetokounmpo ng isang laro dahil sa panghi-head-butt kay Washington Wizards forward Moritz Wagner, napatunayan naman na siya ang pinaka-epektibong player sa liga.

Hindi makakalaro si Antetokounmpo sa regular-season finale ng Bucks kontra sa Memphis Grizzlies nitong Huwebes ngunit no bearing na ito para sa Milwaukee dahil nasiguro na nila ang No. 1 spot sa East at nakatakda nilang labanan ang Orlan­do sa opening round ng playoffs sa Martes kung saan puwede nang lumaro ang kanilang star player.

Tinapos ni Anteto­kounmpo ang kanyang season na may Player Efficiency Rating na 31.91, ang pinakamataas sa kasaysayan ng liga at ayon sa Basketball Reference, mas mataas pa ito sa nagawa nina Wilt Chamberlain, Michael Jordan at LeBron James. Patunay na karapat-dapat siyang maging season Most Valuable Player.

Ang  Player Efficiency Rating (PER) ay ginawa ni ESPN columnist John Hollinger kung saan tino-total ang mga positive accomplishments ng isang player bago ikaltas ang mga negative accomplishments at ang resulta ay ang per-minute rating performance ng isang player. Ayon sa Washington Post, ang league average PER kada-season ay nasa 15, halos kalahati lang ng naitala ni Antetokounmpo ngayong season na naa-pektuhan ng COVID-19.

Bago pa nagpahinga ng 5-buwan ang liga dahil sa pandemya, lumaro na ng 63 games si Antetokounmpo 63 games para sa Milwaukee nga-yong season, kulang lang ng siyam na laro noong nakaraang season.

Si Antetokounmpo ay may average na 29.5 points at 13.6 rebounds per game na mas mataas pareho kumpara noong nakaraang season at lumaro lamang ng 30.4 minutes per game, pinakamababa sapul ng kanyang rookie season na malaking tulong sa kanyang PER.

Si Antetokounmpo ay paborito ring manalo ng season MVP bagama’t hindi na ikokonsidera ang mga laro sa NBA bubble sa botohan dahil magkakaroon ng Most Valuable Bubble Player.

Nangyari ang head-butt nang makakuha ng offensive foul si Wagner kay Antetokounmpo sa kaagahan ng second quarter. Bumagsak si Wagner sa sahig sa drive ni Antetokounmpo sa lane at nagbitaw ng maiinit na salita  ang Wizards player sa reigning league MVP nang bumangon ito. Head-butt na lang ang sinagot ni Antetokoumpo na na-eject dahil sa Flagrant 2 foul.

vuukle comment

GIANNIS ANTETOKOUNMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with