^

PM Sports

Clippers no. 2 sa West

Pang-masa

LAKE BUENA VISTA, Florida — Umiskor si Paul George ng 27 points habang nagtala si Kawhi Leonard ng 26  tungo sa 124-111 panalo sa Los Angeles Clippers  upang pormal na angkinin ang No. 2 second seed sa Western Conference playoffs.

Makakatapat ng Clippers ang seventh-seed na Dallas sa paglarga ng playoffs sa susunod na linggo  pagkatapos ng play-in series nitong Sabado (Linggo sa Manila) na madedetermina pagkatapos ng seeding games. Mahigpit ang labanan sa No. 8 at No. 9 play-in spots ang Portland, Memphis, Phoenix at San Antonio na madedetermi-na sa win percentage dahil hindi parepareho ang kanilang total games.

Samantala, posibleng ‘di maaasahan ng Houston Rockets si Russell Westbrook sa playoffs  matapos makita sa kanyang  MRI na mayroon itong strained muscle sa kanang quadriceps, ayon sa pahayag ng team bago nila malasap ang 108-104 pagkatalo sa  Indiana Pacers.

Hindi lumaro si Westbrook noong Miyerkules at hindi rin lalaro sa kanilang final seeding game kontra sa Philadelphia 76ers nitong Biyernes. Ie-evaluated uli si Westbrook bago ang playoffs sa Monday.

Hindi naman lumaro si Indiana Pacers forward T.J. Warren sa kanilang 108-104 panalo  kontra sa Houston Rockets dahil sa plantar fasciitis  sa kanang paa ngunit ayon sa source ay hindi ito malala kaya makakalaro siya sa playoffs.

Nakasiguro naman ang Philadelphia 76ers  ng first-round pick sa NBA draft ngayong taon, salamat sa go-ahead three-pointer ni Mike Muscala sa huling 5.2 segundo ng laro ang naging susi sa 116-115 panalo ng Oklahoma kontra sa Miami Heat.

Sa panalo ng Thunder, sumiguro sila ng top 10 finish at sa Markelle Fultz trade noong February, nakuha ng Sixers ang top-20 protected first-rounder ng Oklahoma, dagdag si Jonathon Simmons at second-round selection noong nakaraang taon.

 

vuukle comment

LOS ANGELES CLIPPERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with