^

PM Sports

Kumusta ang PBA Hall of fame

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Pagkatapos ng limang PBA Hall of Fame rites, nakatulog na ng malalim ang institution, at hindi na nasundan ang huling edition noong 2013 kung saan nailuklok sa “Hall” sina Benjie Paras, Ronnie Magsanoc, Lim Eng Beng at Ed Ocampo.

Pagkatapos ng introductory “HOF” rites noong 2005, dumating ang mga sumunod na inductions kada-ikalawang taon.

Pero hindi na nga nasundan pagkatapos noong 2013 ceremony na sa halip ay sinundan noong 2015 ng pagsaludo sa karagdagang 15 players sa listahan ng PBA Greatest Players.

Malamang nawala ang sigla sa pagbibigay ng lifetime achievement award dahil batikos at hindi papuri ang inani ng liga sa listahan ng awardees na nabuo nila na maidagdag sa naunang 25 Greatest Players na pinarangalan noong taong 2000.

Kahit na kasi mga PBA greats na gaya nila Mon Fernandez at Atoy Co ay umalma sa mga personalidad na nagbida sa 2015 ceremony.

Karamihan kasi sa listahan ay mga aktibo pang manlalaro, at naiwang outside de kulambo ang mga gaya nila Abe King, Arnie Tuadles at Nelson Asaytono.

Marami ang natabangan, may nasaktan, may nagtampo at marami ang hindi sumipot. Pero maaaring naghilom na ang sugat.

At dahil sa pandemya at hindi naman gaano karami ang kanilang inaasikaso sa kasalukuyan, siguro dapat na nilang isama na pagplanuhan ang PBA golden anniversary sa 2025.

Malamang na aabangan ang paggawad sa 50 Greatest Players. Baka mas konti ang sabit kung ngayon pa lang ay ilatag na ang awards body na siyang maglalatag ng sistema sa pagpili ng nominating committee, sa proseso ng pagpili, criteria, etc.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with