^

PM Sports

Nalagay sa alanganin ang Portland

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng pagkakataon ang Portland na makasikwat ng madaling panalo dahil hindi lumaro si Kawhi Leonard na nanood lamang mula sa bench ngunit nalasap pa rin nila ang 122-117 kabiguan sa LA Clippers na naglagay  sa kanila sa ala­nganin patungong playoffs.

Tila kontrolado na ng Portland ang laro nang kanilang itala ang 115-110 lead patungo sa final 1:39 minuto ng laro ngunit sumandal si Clippers head coach Doc Rivers sa kanyang mga backups na sina JaMychal Green, Rodney McGruder at Patrick Patterson na tumapos ng laro para sa Clippers kung saan umiskor si McGruder ng uncontested 3-pointer sa huling 26.5 seconds na nagbigay sa Los Angeles ng 118-117 kalamangan.

Mintis naman ang free throws ni Damian Lillard, 18.6 seconds na lang at ang kanyang 3-pointer sa hu­ling 9.5 seconds ay tumalbog lang din sa rim.

Bukod sa nakaupo na sa bench si Leonard, hindi na rin ipinasok si All-Star Paul George sa stretch kahit tabla pa ang iskor sa 115 sa final minute  dahil umano sa ‘load management’ ngunit tumapos pa rin si George ng 21 points, 6-rebounds at 4-assists.

Sa likod ng pagkatalo, may half-game  na layo pa rin ang Portland sa Phoenix Suns at San Antonio Spurs para sa krus-yal na No. 9 spot sa Western Conference standings.

May 1.5 games ang layo nila sa Memphis Grizzlies na nasa No. 8 seed sa kanilang 1-4 record sa bubble.

Ang No. 9 seed ay may tsansang kalabanin ang No. 8 sa play-in series para sa final playoff spot at sa karapatang harapin ang Los Angeles Lakers sa first round kung 4-games o mas mababa pa ang kanilang agwat pagkatapos ng seeding games.

vuukle comment

PORTLAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with