^

PM Sports

PBA balik-practice napurnada pa

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mauurong uli ang nakatakda sanang training return ng PBA matapos ang pagbabalik sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ng Metro Manila at iba pang karatig-probinsya.

Inanunsyo ni Pangu-long Rodrigo Duterte ang MECQ implementation kahapon na tatagal mula Agosto 4 hanggang 18 bilang sagot sa hiling ng mga frontliners na “timeout” kasunod ng tuluy-tuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.

Bunsod nito, hindi muna matutuloy ang naka-iskedyul na swab test ng PBA teams sa Agosto 6-7 sa Makati Medical Center at maghihintay ng mga susunod na order ng gobyerno sa pangunguna ng IATF.

“We have no recourse but to adjust the sche­dule of our activities. The supposed swab testing of the players at the Makati Med on Aug. 6-7 will be pushed back,” ani Commissioner Willie Marcial.

Ang COVID-19 swab test ng mga koponan sana ang huling requirement para sa pagbabalik ensayo ng PBA matapos lumabas ang Joint Administrative Order (JAO) ng PSC, GAB at DOH noong nakaraang linggo.

Nauna nang naudlot ang PBA practice return na orihinal na nakatakda noong Hulyo 22.

Ayon kay Marcial ay susunod ang PBA sa guidelines at protocols ng MECQ kung saan ang non-contact activities lamang ang pinapayagan tulad ng running at biking.

Sa kabila nito, tiwala si Marcial na matutuloy pa rin ang pagbabalik ng liga sa tamang oras. “I look at it as a short detour that we’ll pursue in the hope of getting our teams back in the gym at the right time,” dagdag niya.

Noong Marso pa natigil ang 45th Season ng PBA at ang pagbabalik training sana ang unang aktibidad sa loob ng limang buwan.

 

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with