^

PM Sports

Petecio nakauwi na

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Petecio nakauwi na

MANILA, Philippines — Matapos ang siyam na buwan, nakauwi na rin sa wakas si Nesthy Petecio sa probinsiya nito sa Sta. Cruz, Davao Del Sur.

“Finally home.’ Di mapigilan na hindi sila lumapit at yakapin ako. Miss na miss ko sila,” ani Petecio sa mga larawang akap-akap ang mga kapamilya na noong Oktubre niya pa huling nakita nang umuwi siya sa Davao matapos magkampeon sa AIBA Wo-men’s World Boxing Championships sa Mongolia.

Wagi ulit si Petecio sa 30th SEA Games noong Disyembre subalit hindi nakauwi sa pamilya upang ilaan ang atensyon sa qualifiers ng Tokyo Olympics ngunit bigo sa Petecio sa Asia and Oceania Boxing Olympic Qualification noong Marso sa Jordan.

Naipit si Petecio sa Teachers’ Camp sa Baguio City at sa Philsports Complex sa Pasig City bunsod ng community quarantine ngunit nang nag-negatibo sa COVID-10 swab test sa Davao ay nakauwi na nang tuluyan sa kanila.

“Yung pamilya ko po yung lakas ko, yung inspirasyon ko,” dagdag ni Petecio na kukumpletuhin lang ng home quarantine bago sumabak ulit sa training para sa isa pang tsansang makasama sa Olympics.

 

vuukle comment

NESTHY PETECIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with