^

PM Sports

COVID-19-free ang NBA para sa season restart

Pang-masa
COVID-19-free ang NBA para sa season restart
Adam Silver

MANILA, Philippines — Sa pagsisimula ng NBA season restart sa loob ng ESPN Wild World of Sports sa loob ng Disney World Resort malapit sa Orlando, Florida nitong Huwebes, inihayag ng NBA na COVID-19-free pa rin ang ‘bubble’.

Sapul noong July 20, walang nagpositibo sa 344 players na na-test para sa coronavirus.

Sinasabing epektibo ang sistema ng NBA kum-para sa ibang liga sa US na nagkakaroon ng problema matapos mahawa sa coronavirus ang ilang players.

Bagama’t may mga players na lumalabas ng NBA bubble at may ilang pinagku-quarantine dahil sa paglabag ng mga regulasyon sa loob ng campus, nananatiling ‘safe’ ang NBA bubble.

“From my standpoint, it’s going very well, and I’m cautiously optimistic that we’re on the right track,” ani NBA Commissioner Adam Silver via  New York Times. “The real test will come when players are commingling, playing basketball without masks and without physical distancing.”

3-players ang wala sa Clippers

Tatlong players ang wala sa LA Clippers sa pagharap nila sa LA Lakers na makakaasa pa rin kay Anthony Davis kahit nasundot ang kanyang mata noong Sabado sa scrimmage.

Hindi lalaro sina Lou Williams, Montrezl Harell at Patrick Beverly sa Disnew debut ng Clippers.

Lumabas ng NBA bubble si Harrell dahil sa personal na kadahilanan at hindi alam kung kailan ito babalik at pagbalik nito sa Disney Resort, kailangan niyang mag-isolate ng apat na araw.

Si Harell ay may average na 18.6 points at 7.1 rebounds per game bago natigil ang liga.

Si Williams ay naparusahan ng 10-day quarantine  dahil nagpunta siya ng club matapos pumunta sa lamay na siyang ibinigay niyang rason sa paglabas ng Disney campus.

Si Williams ay nag-aaverage ng 18.7 points at 5.7 assists per game.

Inaasahan namang babalik si Beverley sa Linggo matapos lumabas ng NBA campus noong nakaraang linggo dahil sa emergency sa pamilya. Kailangan niyang mag-quarantine ng apat na araw at inaasahang makakasama na ang Clippers sa Huwebes.

Kumpara sa Clippers, malakas ang puwersa ng  Lakers kung sasalang si Davis na bagama’t nasundot ang mata noong Sabado ni Michael Carter-Williams sa kanilang scrimmage kontra sa Orlando Magic.

Hindi lumaro sa huling scrimage ng Lakers si Davis ngunit sinabi niya sa mga reporters na lalaro siya kontra sa Clippers matapos itong sumama sa practice ng kanyang team nitong Miyerkules.

vuukle comment

ADAM SILVER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with