^

PM Sports

Tiwala lang sina Fajardo, Pingris

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Tiwala lang sina Fajardo, Pingris
June Mar Fajardo at Marc Pingris

MANILA, Philippines — Tiwala sina veteran big men June Mar Fajardo at Marc Pingris na nasa tama at ligtas na daan ang PBA tungo sa pagbabalik-training at conditioning sa susunod na linggo.

Bagama’t may takot din tulad ng karamihan bunsod ng pandemya, umaasa ang mga batikang manlalaro na sapat at mahigpit ang protocols ng liga para sa kapakanan ng lahat.

“Yung takot nandiyan pero may faith ako kay God at naniniwala ako na ginagawa nila Commissioner (Willie Marcial) ang lahat para makabalik tayo ng safe. Kaya game ako,” sabing Magnolia Hotshots player na si Pingris.

“Negative na nga ‘yung nangyayari sa mundo tapos negative pa ang approach natin, mas lalong sasama. So kailangan tignan na lang ‘yung positive side,” dagdag ng 6-time PBA MVP na si Fajardo ng San Miguel na hindi muna makaka-ensayo bunsod ng shin injury.

COVID-19 swab testing nalang ang kulang ng PBA bago makapagsimula sa ensayo matapos matanggap ang Joint Administrative Order (JAO) ng Games ang Amusement Board, Department of Health at Philippine Sports Commission  na naglalaman ng protocols at guidelines sa pagbabalik training.

Apat na player kada-batch ang trai­ning lalo’t umiiral pa rin ng General Community Quarantine (GCQ)  ang Metro Manila at umaasa ang lahat na susunod na ang scrimmage at kung sakali ay puwede nang maglaro kapag bumaba sa Modified  GCQ.

Ang kailangan nalang gawin ngayon ng mga manlalaro ay sumunod sa protocols at mag-triple ingat, dagdag nina Fajar­do at Pingris.

vuukle comment

JUNE MAR FAJARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with