^

PM Sports

Puwede na sana ang PBA games kung...

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Nagbibigay pag-asa sa balik-laro ng PBA at iba pang pro sports sa bansa ang Joint Administrative Order na pirmado ng Department of Health, Games and Amusements Board at Philippine Sports Commission.

Pero ito ay depende kung low-risk areas na sa COVID-19 ang pagdarausan ng laro.

Ibig sabihin ay puwede ang PBA play resumption kung makaraos ang Metro Manila sa General Community Quarantine at umusad sa mas maluwag na quarantine restrictions.

Masarap sa tenga para sa PBA at basketball fans ang balitang ito.

Pero ang tanong ay kailan aalagwa sa GCQ ang National Capital Region kung patuloy pa ang pagdami ng COVID-19 cases.

At kung muli mang makausad ang PBA Season 45, ito ay sarado pa rin sa live gate attendance at mapapanood lamang sa TV.

Ito ang new normal sa larangan ng palakasan, except sa ibang lugar na medyo nananalo na sa laban kontra sa pandemya.

Pero kahit na nga closed-door activities ay wala pa rin kasiguruhan sa safety laban sa matinding virus.

Gaya na lang ng nangyari sa Major League Baseball sa US kung saan kailangan uling mag-quarantine ng Miami Marlins dahil ilan sa kanilang manlalaro ay nasapol ng virus galing sa kanilang season opening game kontra sa Phillies sa Philadelphia.

Kaya suspendido agad ang mga kasunod na laro ng Marlins at Phillies. Araguy!

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with