Kuzma bumandera sa Lakers vs Magic
ORLANDO, Florida — Ipinagpatuloy ng Los Angeles Lakers ang kanilang pananalasa para sa parating na NBA restart season matapos talunin ang Orlando Magic, 119-112, sa tune-up game kahapon.
Kumamada si Kyle Kuzma ng 25 points para saluhin ang trabaho nina superstars LeBron James at Anthony Davis.
May malamyang 6-foot-15 fieldgoals si James habang may 1 point at 10 rebounds si Davis na hindi na nakabalik sa laro nang masundot sa mata.
Nalasap ng Magic ang kanilang ikalawang sunod na kabiguan sa dalawa nilang exhibition games.
Pinamunuan ni guard DJ Augustin ang Orlando mula sa kanyang 21 points.
Kumolekta naman si center Brook Lopez ng 21 points at 5 shotblocks para akayin ang Milwaukee Bucks sa 131-123 paggupo sa Sacramento Kings.
Nauna nang tumipa si Lopez ng 17 markers sa panalo ng Bucks sa San Antonio Spurs sa una nilang tune-up match.
Binanderahan nina Giannis Antetokounmpo at Khris Middleton ang pagratsada ng league-leading Bucks nang magtala ng 15 at 11, ayon sa pagkakasunod, sa first half.
Samantala, sasailalim naman si New Orleans Pelicans star rookie Zion Williamson sa isang four-day quarantine matapos umalis ng Disney bubble noong Hulyo 16 dahil sa family matter.
- Latest