^

PM Sports

Naurong ang ‘chacha’ ng POC

Russell Cadayona - Pang-masa
Naurong ang �chacha� ng POC
Abraham “Bambol” Tolentino

MANILA, Philippines — Ang kakulangan sa panahon ang nagpuwersa sa Philippine Olympic Committee (POC) na ipagpaliban ang pagtalakay sa pinaplanong charter change.

Ipa-finalize sana ng POC sa pa-ngunguna ni president Abraham “Bambol” Tolentino ng cycling federation ang ilang pag-amyenda sa kanilang charter kagaya ng pagbabawal sa isang Natio­nal Sports Association (NSA) official na humawak ng dalawang posisyon.

Itinutulak din ang pagbabawal sa pagkandidato ng isang NSA head na 70-anyos na para sa anumang elective post na ipinatutupad na ng International Olympic Committee (IOC).

Hindi rin naaprubahan dahil sa kakulangan ng oras ang panukalang pagkakait ng rekognisyon sa isang NSA na hindi na kinikilala ng kanyang sariling International Federation (IF).

Hangad ni boxing association president Ricky Vargas, dating POC chief at kasalukuyang chairman ng committee on constitutional amendments, na maaprubahan ang lahat ng nasabing pagbabago bago ang POC election sa Nobyembre.

Inulat naman ni Tolentino ang matagumpay na pagdaraos ng Olympic Day event pati na ang kanyang “Free Bikes for Athletes” program na nagbigay ng higit sa 200 bisikleta sa mga national team members.

Samantala, inaprubahan naman ng POC ang pagkilala sa polo bilang isang associate member at ang Pole and Aerial bilang recognized member.

Ang regular member ang binibigyan ng kapangyarihang bumoto samantalang ang associate member ay walang voting power.

vuukle comment

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with