^

PM Sports

Perez, Tautuaa atat nang mag-practice

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sabik nang makabalik sa hardcourt sina CJ Perez ng Terra Firma (da-ting Columbian) at Mo Tautuaa ng San Miguel Beer hindi lamang para sa PBA kundi gayundin sa Gilas Pilipinas 3x3 squad.

Nakatakdang makasama ulit ang mga mother teams sa PBA, naghahan-da rin ang dalawa bilang miyembro ng Nationals na magpapatuloy ang preparasyon para sa naudlot na FIBA 3x3 Olympic Qualifying Tournament (OQT).

Kasama ng PBA na naaprubahan ang pagbabalik-ensayo ng national 3x3 squad ayon sa IATF.

Sa Setyembre inaasahang makakasama nina Perez at Tautuaa sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol na siyang no. 1 at no.2 ranked 3x3 players sa bansa mula sa Chooks-to-Go 3x3 Pilipinas League.

Ranggong ika-20 sa buong mundo ang Nationals na noong Marso pa sana susubok makasungkit ng tiket sa Tokyo Olympics kung saan ipapakilala ang sumisikat na larong 3x3 basketball bilang medal event sa unang pagkakataon.

Orihinal na naka-schedule ang 3x3 OQT noong Marso sa India su-balit bunsod ng pandemya ay nalipat ito sa Mayo 2021 sa Austria kasabay din ng pag-urong ng mismong Tokyo Olympics sa Hulyo sa susunod na taon.

Lagpas apat na buwan nang tengga ang 3x3 squad mula nang kanselahin ang lahat ng sports activities sa bansa.

Ngayon, aasa sila sa dagdag na panahon upang makapaghanda at makahabol sa Olympics matapos ang tagumpay sa 30th SEA Games noong Disyembre.

Haharang sa kanilang daan sa OQT ang solidong France, Slovenia, Qatar at Dominican Republic sa Group C. Tatlo lang mula sa 20 kasaling koponan ang makakapasok sa Olympics.

vuukle comment

CJ PEREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with