^

PM Sports

Isang Tanong para kay Comm. Marcial

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kahapon ay naimbitahan ako na isa sa magpukol ng tanong kay PBA commissioner Willie Marcial sa kanyang guesting sa bagong sports show sa TV5 – The Sports Page hosted by Sev Sarmenta.

“Just one question,” ani Bot Abuan.

Ang unang pumasok sa aking isip ay hingin ang honest feeling ni Pareng Kume kung makakabalik ba ang PBA sa taong ito, considering na hindi nakikita ng World Health Organization na maaawat ang ragasa ng COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Ako mismo ay may duda kung mangyayari ito kaya’t iba na lang ang ibinigay kong tanong.

“COVID has devastated the economy, with no one being spared. The PBA ball clubs and their businesses are badly hit, and then the ball clubs are mandated to continue to pay the salaries of their players even with the league in a hiatus,” ani Kume

Kapag lumawig pa ang pandemya, kakayanin ba ng lahat ng PBA teams na ma-survive ang economic crunch at ma-sustain ang panga-ngailangan ng koponan. O meron nang umaaray at humaharap na sa posibleng foldup?

As of press time ay ‘di ko pa naririnig ang sagot ni Pareng Kume.

Pero kasama ako sa nananalangin na kayanin ng mga ball clubs ang mahirap na sitwasyon at sama-samang makabalik sa basketball court sa oras na mapahintulutan ang season restart.

‘Yung nga lang muk-hang hindi sa lalong madaling panahon dahil sa patuloy pa rin ang pagdami ng COVID cases sa ating bansa.

vuukle comment

WILLIE MARCIAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with