^

PM Sports

Jordan Clarkson palaban din sa #GoCrazyDanceChallenge

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Jordan Clarkson palaban din sa #GoCrazyDanceChallenge
Jordan Clarkson

MANILA, Philippines — Hindi nagpahuli si Filipino-American baller at Utah Jazz shooting guard Jordan Clarkson sa nauusong #GoCrazyDanceChallenge ngayon sa social media.

Sa challenge na ito, kinakailangan sayawin ang sikat na kantang Go Crazy ni Chris Brown sa labas  ng kanilang sasakyan habang ito ay pinapaandar ng kasama at kinukuhaan siya ng video.

Ipinamalas ng dating Gilas Pilipinas player ang kanyang galing sa pagsayaw nang i-post niya sa Ins-tagram ang sarili niyang bersyon ng sayaw na ito.

Kitang-kita na hindi lamang sa hardcourt kayang makipagsabayan ng 28-gulang na baller kundi ma-ging sa sayawan ay uubra rin siya dahil sa mga maa-ngas na swag at moves na kanyang ipinakita.

“Little late to the party but im finna #gocrazy, got the best hype man cus i can’t dance @demitriusoneal... bro @chrisbrownofficial put out a banger #gocrazychallenge,” sabi ni Clarkson sa kanyang video na may halos 106k views at 31k likes.  

vuukle comment

UTAH JAZZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with