^

PM Sports

Kailangang magpaliwanag nina Aguilar at Wong

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Kailangang magpaliwanag nina Aguilar at Wong
Japeth Aguilar at Adrian Wong

MANILA, Philippines — Ipapatawag ni PBA Commissioner Willie Marcial sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at Adrian Wong ng Rain or Shine upang pagpaliwanagin sa posibleng paglabag ng general community quarantine (GCQ) protocols.

Didinggin ni Marcial sa Lunes ang panig ng mga naturang manlalaro matapos lumutang sa social media ang video kung saan kasali sila sa 5-on-5 scrimmage sa Ronac Gym sa San Juan.

Pag-aaralan din ng Commissioner’s Office ang naturang video.

Ani Marcial, kakausapin niya lang muna ang mga naturang manlalaro upang hingin ang kanilang panig at sana’y di na umabot sa anumang kinakailangang parusa kung mapatunayang may nilabag silang patakaran ng liga gayundin ng IATF.

Mahigpit pa ring ipinagbabawal ng IATF sa ilalim ng GCQ ang team sports gayundin ang group training, pick-up games at pagbubukas ng sports facilities bunsod pa rin ng banta ng COVID-19 pandemic.

Nauna na ring sinuspinde ng PBA ang training noong nakaraang Marso kasunod din ng suspensyon ng 45th PBA Season.

Sa naturang video ay ‘di aktwal na nakita si Wong subalit kasama siya sa mga larawang lumutang rin sa social media pagkatapos ng naturang practice game.

Naroon din sina Kobe Paras, Isaac Go at Thirdy Ravena na nakatakdang maging unang Pinoy import para sa San-En NeoPheonix sa Japanese B. League.

Si Go ay ang No.1 overall pick ng Columbian Dyip noong nakaraang draft subalit praktikal na bahagi ng Gilas Pilipinas sa ilalim ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ayon sa kasunduan nila sa PBA kaya’t tinawagan nalang muna siya ni Marcial upang hingin din ang panig.

Sa tulong ng Games and Amusement Board, sa ngayon ay naghihintay pa rin ang PBA sa desisyon ng IATF sa kanilang request na payagan na ang training at conditioning.

vuukle comment

JAPETH AGUILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with