^

PM Sports

PBA dadaan sa mahabang proseso

Russell Cadayona - Pang-masa
PBA dadaan sa mahabang proseso
Ricky Vargas

MANILA, Philippines — Kung maibabalik man ang naudlot na Season 45 ng Philippine Basketball Association (PBA) ay mabigat na proseso pa ang pagdaraanan ng liga.

Kailangan pang makakuha positibong sagot ang PBA mula sa Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) gayundin ang basbas ng Games and Amusements Board (GAB) at Local Government Unit (LGU) para payagan ang pagbabalik-ensyao ng mga players ng 12 koponan sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“GAB, IATF, DOH, LGU at tsaka ‘yung owner ng coliseum,” wika ni PBA Board chairman Ricky Vargas ng TNT Katropa. “Medyo mahirap din ang proseso. Plus, the protocol that we have to agree on.”

Patuloy na ipinatutupad ng gobyerno sa Me-tro Manila ang General Community Quarantine (GCQ) kung saan ipinagbabawal ang mga mass gathering, physical acti-vities at 5-on-5 basketball.

Tatlong araw matapos buksan ang 2020 PBA Philippine Cup noong Marso 8 ay sinuspindi ng liga ang torneo nang ilagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila bunga ng COVID-19 outbreak.

Gayunpaman, positibo ang naging tugon ng PBA Board at mga players ng 12 koponan para sa kanilang pagbabalik-ensayo.

Nagsumite na si PBA Commissioner Willie Marcial ng health at safety protocols sa IATF at DOH na kanilang gagamitin sakaling payagan ang mga light workouts.

“Closest we can get is if we got to MGCQ (Modified General CommunityQuarantine),” ani Vargas.

vuukle comment

RICKY VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with