Players, athletes naki-join sa Independence day
MANILA, Philippines — Sa pagdiriwang ng ika-122 anibersayo ng kalayaan ng Pinas, nakiisa ang ilang Pilipinong atleta sa pagdaos ng makasaysayang araw na ito.
Gamit ang social media, pare-parehong “Happy Independence Day” kasama ang Philippine flag ang caption ng mga posts sa pangunguna ni Manny Pacquiao na nag-post ng kanyang larawan na may background ng bandila ng bansa.
Ang ilang miyembro ng Gilas Pilipinas ay sabay-sabay din nag-post ng kanilang mga larawan suot ang Gilas Jersey sa pangunguna nina Gabe Norwood, Calvin Abueva, Babes Bolick at Vic Manuel at Troy Rosario.
Naki-Independence day din ang volleyball player na si Bernadeth Pons.
- Latest