^

PM Sports

Double celebration si Arwind

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Double celebration si Arwind
Arwind Santos at Ivette Santos

MANILA, Philippines — Sobrang espesyal para kay San Miguel Beermen power forward Arwind Santos ang araw kahapon, bukod sa kanyang birthday ay wedding anniversary din nila ng kanyang misis na si Ivette Santos.

Sa mala-nobelang caption sa Instagram ipinarating ni Santos ang kanyang birthday wish at mensahe sa kanyang asawa sa loob ng 15 taon kasama ang ilang photos nila.

“Talaga pong espesyal ang araw na ito para sa akin maliban po sa aking kaarawan, ito rin po ang araw nung pumayag na akong magpakasal sa smoothy Este! Ay! Pumayag na pala ang bawat isa na magpakasal na kame.

In short, Wedding Anniversary din po namin ngayon kaya sobrang espesyal po talaga ang araw na ito. Gusto ko po talaga sanang i-celebrate ito kaya lang po mas mauuna pa rin ang kaligtasan kesa sa selebrasyon natin.

Buhay po natin ang mahalaga,” sabi ni Santos.  “Isa po sa mga wish ko ay matapos na po ang krisis na ito at siyempre ang message ko naman sa aking pinakamagandang asawa @ivettesantos29 salamat sa lahat ng pag-aasikaso mo sa akin at sa mga anak natin. Salamat sa pag-iintindi mo at suporta mo sa akin.

Pareho lang tayo na may natutunan sa bawat isa, ako natutong maging masinop at kuripot, joke lang. I love you more, mahal na mahal kita hindi pwe-ding mamatay na hindi ikaw ang huli kong makikita. Magsisikap ako at gagawin ko ang lahat na kasama ang Panginoon para maibigay ko pa ang mga bagay na puwede ko pang ibigay sa’yo para ma-ging maligaya at masaya ka at ating buong pamilya,” dagdag niya.

vuukle comment

ARWIND SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with