^

PM Sports

Health protocols para sa pagbabalik ng PBA aayusin ng Board ngayon

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang paglalatag ng mga health protocols para sa inaasahang pagbabablik sa ensayo ng mga koponan ang tatalakayin ng PBA Board of Governors sa kanilang pulong ngayon.

Idaraos ang nasabing pulong via online, ngunit gusto ni PBA chairman Ricky Vargas ng TNT Katropa na pumunta ang lahat ng mga league go-vernors sa PBA office sa Libis, Quezon City.

Kung sakali ay ito ang magiging unang face-to-face conference ng PBA Board matapos ipatupad ang Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region bunga ng coronavirus disease (COVID-19) outbreak.

Dahil sa COVID-19 ay sinuspindi ng PBA ang kanilang Season 45 noong Marso 11.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial na magbabalangkas ang PBA Board ng mga study proposals para sa unti-unting pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga workouts, training at iba pang physical activities ng 12 PBA teams.

“All these we’ll do with the approval from the government. Hindi kami gagalaw without their approval,” wika ni Marcial.

Sa IATF guidelines, pinayagan na ang mga atleta na gumawa ng ilang physical activities sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Sa Agosto ay inaasahang magdedesisyon ang PBA Board kung ibabalik ang Season 45 sa pamamagitan ng pagdaraos ng isang conference sa Oktubre. “Things will be easier to decide on if a vaccine for COVID-19 comes up. The government and all of us hope for it,” sabi ni Marcial.

 

vuukle comment

RICKY VARGAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with