^

PM Sports

Tuloy ang 2021 SEA Games sa Vietnam

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tuloy ang 2021 Southeast Asian Games sa Vietnam kung saan hahangarin ng Pinas ang  ikalawang sunod na overall championship kahit may COVID-19 pandemic pa ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino.

“Definitely matutuloy iyon,” ani Tolentino sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa online kahapon.

Pinupuri ang Vietnam bilang isa sa model  country kontra sa COVID-19 crisis nang magtala lang ito ng lagpas 300 kaso at wala maski isang fatality na kaya inaasaahang matutuloy ang biennial meet sa susunod na taon.

Ngunit inaasahan ni Tolentino na mababawasan ang sports events dahil natapyasan na rin ang budget ng Vietnam bunsod ng pandemya.

Pero hindi ibig sabihin nito na titigil sa pagsulong ng ilang events tulad ng dancesports, arnis, kickboxing at obstacle course racing kung saan malakas ang laban ng bansa para sa overall title.

“Lalaban tayo. You think papayag ang Vietnam na di mag-champion. Pero lalaban tayo. We have to send our target number of athletes,” wika ni Tolentino na presidente rin ng PhilCycling.

Pumangalawa ang Vietnam noong 2019 SEAG na ginanap dito sa bansa matapos humakot ng 98 ginto, 85 pilak at 105 tansong medalya kaya’t siguradong gutom na masulit ang homecourt advantage nito para sa no. 1 finish.

Samantala, dahil sa dami ng nag-request, 300 bike na ang ibibigay ni Tolentino mula sa dating 100 at lahat ito ay may kasamang headgear.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with