Pacquiao, Jack Ma Foundation magdo-donate ng 50,000 COVID-19 testing kits
MANILA, Philippines — Umaksiyon si Manny Pacquiao upang makatulong sa laban ng bansa kontra sa COVID-19 outbreak.
Kasama si Jack Ma ng business giant na Alibaba, nakatakdang magbigay ng 50,000 testing kits si Pacquiao upang magamit ng magigiting na health workers sa pagsuri ng mga nangangailangang pasyente.
“We’re excited to announce the Jack Ma Foundation, in partnership with the Pacquiao Foundation, is pledging 50,000 test kits to combat COVID-19 in the Philippines,” ani Pacquiao.
“With everything that’s happening around the world today, there is no better time to unite and do whatever we can to help each other.”
Ang hakbang na ito ni boxing legend at kasalukuyan ding Senador Pacquiao ay tulong sa Department of Health na kulang ang testing kits upang mas maraming Pinoy ang maisailalim sa COVID-19 examination.
Sa ngayon ay lagpas 100 na ang kaso ng COVID-19 sa bansa habang nailagay na sa “enhanced community quarantine” ang buong Luzon.
Kanselado na rin ang lahat ng sporting events at mass gatherings sa bansa hangga’t hindi pa pinapawalang bisa ang State of Public Health Emergency gayundin ang enhanced community quarantine hanggang Abril 14.
- Latest