Jordan at Hornets players tutulong sa kanilang mga part-time employees
CHARLOTTE — Hindi pababayaan ni owner Michael Jordan at ng mga Hornets players ang kanilang mga part-time employees na pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic.
Nagkasundo sina Jordan at kanyang mga Hornets players na magtayo ng isang fund na tutulong sa kanilang higit sa 500 part-time staff.
Ang nasabing fund ang susuporta sa mga empleyado ng koponan kagaya ng mga ushers, ticket takers, box office attendants, entertainers, public safety officers, retail staff, guest services personnel, technical operations at iba pa.
Bibigyan ang mga part-time staff ng Hornets ng financial assistance hanggang sa katapusan ng scheduled NBA season sa Abril 13.
Tutulungan din ni Jordan at ng mga Hornets players ang mga part-time employees na nagtatrabaho sa Spectrum Center concerts at pati na ang Greensboro Swarm part-time staff hanggang sa katapusan ng Marso.
Kamakalawa ay nagpositibo sa COVID-19 si Detroit Pistons forward Christian Wood kasunod sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz.
- Latest