^

PM Sports

High school at college events kinansela na ng UAAP

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mas lalo pang pinala­wig ng University Athle­tic Association of the Phi­lippines (UAAP) ang kan­selasyon sa lahat ng sporting events sa kolehiyo ngayong Season 82 kasabay ng patuloy na pag­dami ng kaso ng co­r­o­navirus disease-2019 (CO­VID-19) sa bansa.

Taliwas sa unang desisyon na inilabas ng liga na hanggang Marso 17 lamang ang pagpapali­ban ng lahat ng sports sa college at high school ay nagpasya ang pamunuan na kanselahin na ito bilang tugon sa pagsasaila­lim sa NCR sa commu­nity quarantine mula nga­yong araw hanggang Abril 14 at class suspension na tatagal hanggang Abril 12.

Sa pahayag na inilabas ng UAAP kahapon, tu­luyan na nilang kinan­se­la ang lahat ng high school events, kabilang ang lahat ng on-going at mag­sisimula pa lamang at sa girls’ basketball naman ay idineklara na  co-champions ang UST at Adamson dahil tabla sa 1-1 ang kanilang serye.

“For college, the regular format of sporting events are likewise cancelled. If the government declares that it is safe to resume classes on April 15, 2020 and does not pro­­hibit mass gathering, the UAAP will work toward alternative formats of competition to begin no earlier than May 1, 2020,” pahayag ng liga.

“We wil continue to coordinate with lead go­vernment agencies to de­­termine protocols for the safety of everyone in or connected with the UAAP.”

Sa patuloy na paglobo ng bilang kumpirmadong  kaso ng COVID-19 sa Pi­lipinas ay sinabi ng liga na hindi na ito usapin pa­tungkol sa sports kundi isang public health issue na malaki ang epekto sa buong mundo.

Sunud-sunod ang pag­kakansela ng malaking spor­ting events sa bansa, ka­bilang ang PBA, dahil sa banta ng nakamamatay na COVID-19.

 

vuukle comment

COLLEGE EVENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with