^

PM Sports

Mavericks pinabagsak ang Nuggets

Pang-masa

DALLAS, Philippines — Kagaya ng kanyang mga players ay narinig din ni Mave­ricks coach Rick Carlisle ang desisyon ng NBA na suspindihin ang season ha­­bang nasa third quarter ang laro nila ng Denver Nuggets.

Ang pagtatapat ng Dallas at Denver ang na­ging huling laro na na­kum­pleto bago ang paha­yag ng NBA.

 Naiwasan ng Mave­ricks na mahulog sa una ni­lang three-game losing skid matapos talunin ang Nuggets, 113-97.

Kumolekta si center Bo­ban Marjanovic ng 31 points at 17 rebounds, habang may 28 markers si guard Luka Doncic para pa­munuan ang Dallas.

“This is because of just the league being concerned about the health of fans, players and arena personnel,” sabi ni Car­lisle. “There’s going to be more meetings and more talk tomorrow about what the next steps are. There’s no timetable.”

Nagdagdag si Tim Hard­away Jr. ng 17 points ka­sunod ang 15 mar­kers ni Maxi Kleber para sa Dallas, ang tanging ko­po­nan sa liga na hindi na­kalasap ng three-game lo­­sing slump.

Binanderahan ni Jamal Murray ang Denver mula sa kanyang 25 points kasunod ang 23 markers ni Will Barton.

Sa Atlanta, humugot si Mitchell Robinson ng li­ma sa kanyang 16 points sa overtime para tulungan ang New York Knicks na makatakas kontra sa Hawks, 136-131.

Isinalpak ni Robinson ang kanyang three-point play mula sa alley-oop slam sa huling 1:13 minuto sa extra period para ibi­gay sa New York ang 131-124 abante.

Pinamunuan ni guard Trae Young ang Atlanta mu­la sa kanyang itinalang 42 points, ang 27 ay hinataw niya sa fourth quarter, bukod pa ang 11 assists.

Sa Philadelphia, nag­pos­te si Joel Embiid ng 30 points at 14 rebounds sa kan­yang pagbabalik mula sa sprained left shoulder pa­ra akayin ang 76ers sa 124-106 paggupo sa Detroit Pistons.

Sa Miami, diniskaril ng Charlotte Hornets ang pagsikwat ng Heat sa play­off spot matapos ilista ang 109-98 panalo.

Humataw si Devonte’ Gra­ham ng 30 points para sa Hornets.

 

vuukle comment

MAVERICKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with