^

PM Sports

Tuluy-tuloy o hinay-hinay?

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sino ang mag-aakala na kahit na ang gaya ni Utah Jazz center Rudy Gobert ay puwedeng tamaan ng novel coronavirus disease (COVID-19)?

Walang dudang ang mga atleta ay isa sa mga ta­ong may pinakamalusog na pangangatawan.

At ang pagtama ng COVID-19 kay Gobert ay pag­papatunay na walang immune sa disease na ito.

Kaya naman minabuti na rin ng NBA na isus­pinde “until further notice” ang kanilang current sea­son.

Parehong desisyon ang ibinaba ng PBA hours ahead.

Sa pagitan ng mga desisyon na inanunsyo ng PBA at NBA, patuloy namang umarangkada ang Di­vision Finals ng MPBL sa harap ng apaw na ma­nonood sa Lamitan, Basilan.

Pero patuloy pa rin bang aariba ang MPBL at isa­­sagawa ang laro sa harap ng kanilang fans sa pun­­tong wala pa ring tigil ang pagkalat ng CO­VID-19?

Height of insensitivity? Ito na ang bato at malamang na ibato ng ibang sports fans, lalo na ng mga kritiko.

Ito ay kahit sabihin nilang sa malayong lu­gar ni­la isinasagawa ang mga laro.

Ikunsidera na lang na ang North Finals na pi­nag­lalabanan ng dalawang Metro Manila-based teams.

Kahit na ang South Division finalists ay may mga manlalarong galing sa Metro Manila kung sa­an nagsimula ang COVID-19 dito sa ating bansa.

Huwag naman sanang may makapagdala pa ng di­sease sa labas ng Metro Manila.

Kung walang measures na ipapatupad ukol sa health threat, nakatakdang ilaro ang Game Three sa da­lawang divisional finale bukas.

Pinaglalabanan ng Davao Occidental at Basilan ang South title, samantalang pinag-aagawan ng San Juan at Makati ang North crown.

Pero maaaring bago lumabas ang column na ito ay pag-usapan na ng MPBL leadership ang bagay na ito.

Sana naman!

vuukle comment

COVID19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with