^

PM Sports

Santiago hahataw para sa Chery Tiggo

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Santiago hahataw para sa Chery Tiggo
Ja­ja Santiago

MANILA, Philippines – Inaasahang magbaba­lik sa second round ng 2020 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix sa Mayo si Chery Tiggo Crossovers ace player Ja­ja Santiago matapos ang international stint sa Ja­pan.

Nagbalik sa bansa ang dating national team mem­­ber matapos ang ma­­tagumpay na paglala­ro sa V. Premier League ng Ja­pan nang tulungan ni­ya ang Aego Medics na ma­­kuha ang una nilang tansong medalya sa liga.

Ayon kay Santiago, hin­di rin siya magtatagal sa bansa dahil maaari pa siyang bumalik sa Japan sa katapusan ng buwan kung sakaling matuloy ang one-week league sa Ma­yo.

“Babalik pa ako by the end of March siguro. Depende kung matutuloy ang tournament naming sa Japan sa May. Wala pa akong date na talagang ba­balik pa,” wika ni Santiago. 

Mula nang makabalik ay tuluy-tuloy pa rin ang pagsasanay ng 2016 PSL Grand Prix MVP kasama ang mga Crossovers para makahabol sa kanilang sis­tema.

“Nagti-training ako. Kasi hindi ba bumalik ako ng Japan noong February 25. Nag-training ka­­agad ako and after na ma­laman naming na cancelled, then bumalik ako rito and after noon tuluy-tuloy ‘yung trai­ning ko,” dagdag nito.

Malaki ang pasasala­mat si Santiago sa kanyang local club dahil sa wa­lang sawang pag-intindi at pagsuporta sa kanya lalo na sa mga nais niyang tahakin sa karera.

Bukod sa kanyang pag­babalik ay inaabangan din ang muling pagpalo sa local volleyball scene ng ate niyang si Dindin Santiago-Ma­na­bat.

 

 

vuukle comment

JA­JA SANTIAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with