^

PM Sports

TNT laban sa Phoenix; NLEX kontra sa NorthPort ngayon

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines – Ang unang panalo ang pag-aagawan ng apat na koponan sa 2020 PBA Philippine Cup.

Haharapin ng TNT Ka­tropa ang Phoenix nga­yong alas-4:30 ng hapon kasunod ang salpukan ng NLEX at NorthPort sa alas-7 ng gabi sa Smart Ara­neta Coliseum.

Ang five-peat champions na San Miguel ang unang naglista ng 1-0 record matapos gibain ang Magnolia, 94-78, sa pag­bu­bukas ng torneo noong Linggo.

Ipaparada ng Tropang Texters ang 6-foot-8 na si Poy Erram, nagmula sa Road Warriors, sa ka­nilang pagsagupa sa Fuel Masters.

“We just have to play harder and smarter than our opponent,” sabi ni TNT Katropa coach Bong Ravena. “Our mind-set is, there is no weak team in this field.”

Makakatuwang ni Erram sina Jayson Castro, RR Pogoy at Troy Rosa­rio laban sa Phoenix ni mentor Louie Alas.

“We watched their tune-up game films pero iyon nga ang problema ko, injuries,” ani Alas.

Samantala, babande­rahan nina June Mar Fa­jardo ng San Miguel at CJ Perez ng Columbian ang mga pararangalang man­lalaro sa inaaba­ngang 2020 PBA Press Corps Awards Night sa Marso 16 sa Novotel Manila sa  Araneta City.

Igagawad sa Beermen giant ang Order of Merit Award matapos humakot ng pinakaraming PBA PC Player of the Week citations noong 44th Season.

Tatanghalin namang Sco­ring Champion si Pe­rez na susundan si legend Eric Menk bilang nata­tanging leading scorer ng PBA sa kanilang unang taon sa liga.

Kagagaling lamang ni Fajardo sa pagsikwat ng ikaanim na sunod na Season MVP award noong Linggo sa ginanap na Leo Awards kasabay ng pag­bubukas ng 45th PBA Season sa Smart Araneta Coliseum.

Sa parehong pagtitipon ay pinarangalan si Perez bilang Rookie of the Year.

Nakasama rin ni Fajar­do sa Mythical First Team at All-Defensive Team si Perez upang sementuhan ang kanilang ka­libre bilang dalawa sa pinakamagagaling na manlalaro ng kauna-una­hang professional basketball league sa Asya.

Ilan lamang ang Order or Merit at Scoring Champion sa 11 parangal na ibibigay ng PBA Press Corps sa ika-26 na pagdi­riwang ng grupo katuwang ang Cignal TV.

Sina Tim Cone ng Ba­rangay Gi­nebra at Leo Aus­tria ng San Miguel ang kandidato para sa Ba­by Dalupan Coach of the Year award.

Ang mga ibang para­ngal ay ang All-Interview Team, D-League Finals MVP, Game of the Season, All-Rookie Team, Mr. Quality Minutes, De­fensive Player of the Year, President’s award at Danny Floro Executive of the Year.

 

vuukle comment

NORTHPORT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with