^

PM Sports

Katatagan ng PBA

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Sa pagrampa nina Alyssa Muhlach Alvarez (San Miguel Beer) at Tin Patrimonio (NorthPort) bilang muses sa inaugural rites ng bagong season ng PBA, lalong nadiin ang kahabaan na ng panahon na tinatangkilik ng mga tao ang PBA bilang No. 1 sports entertainment sa bansa.

Super proud si Bong Alvarez sa participation ng kanyang anak sa PBA Season 45 inaugurals, 24 years ang lumipas matapos ipanganak si Alyssa sa panahong naglalaro si Mr. Excitement sa PBA Finals sa pagitan ng San Miguel Beer at Alaska Milk.

“Napakabilis ng panahon,” ani Alvarez.

Tindig-balahibo rin si Patrimonio na makita ang kanyang anak na kasama rin sa festivities ng liga kung saan naghari siya sa mahabang panahon.

Malaking karagdagan din sa nostalgia na makita si­na Atoy Co, Jimmy Mariano, Yoyong Martirez, Tu­ro Valenzona, Gil Cortez, Orly Castelo at dating Sen. Nikki Coseteng – mga kilalang individuals sa unang kapanahunan ng 45-year-old league.

At nandoon din ang mga PBA fans kahit na sa kasagsagan pa rin ng COVID-19 threat.

“PBA fans, ramdam ko ang pagmamahal ninyo sa PBA,” ani PBA Commissioner Willie Marcial sa kanyang speech.

“Akala ko walang taong dadating (dahil sa CO­VID-19) pero dumating pa rin sila kaya sabi ko ramdam ko ang pagmamahal nila. Hindi ko na lang binanggit kung bakit,” ani Marcial kinalaunan sa informal na pakikihuntahan sa ilang sports scribes.

Pero sa patuloy na banta ng virus na ito ay haharapin at pag-uusapan ng PBA board ang bagay na ito para sa kapakanan ng lahat, kasama na ang PBA fans.

Kasama sa konsiderasyon ang closed-door game bagay na ipinapatupad na sa maraming sports leagues sa ibang bansa. At ito ay malungkot!

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with