^

PM Sports

La Salle, UP mag-uunahan sa pagtatala ng 2-0 marka

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
La Salle, UP mag-uunahan sa pagtatala ng 2-0 marka

MANILA, Philippines — Ang ikalawang sunod na panalo ang kapwa pupuntiryahin ng University of the Philippines at De La Salle University sa kanilang pagtatapat ngayong araw sa elimination round ng UAAP Season 82 women’s volleyball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Magbabanggaan ang dalawang tropa sa ganap na alas-4 ng hapon matapos ang men’s match ng UP at La Salle sa alas-2 ng hapon.

Nagpabida kaagad ang rookie-laden na Lady Spi­kers sa kanilang debut game noong Sabado matapos talunin ang nagdedepensang Ateneo Lady Eagles, 25-17, 17-25, 25-17, 25-15.

Bitbit ang kumpiyansa at mga bagong manlalaro, mas paghahandaan ng La Salle ang laban na ito para bawian ang Fighting Maroons na dalawang beses silang pinadapa sa preliminaries noong nakaraang taon.

“Ibang position na ‘yung team ngayon. Siguro mas ma­paghandaan namin ‘yung UP and mas may tao ka­mi ngayon. Mas maganda itong nakauna ng panalo pa­ra inspired sa practice at para mas may confidence ngayon,” sabi ni coach Ramil de Jesus na ibibida sina Tin Tiamzon, Aduke Ogunsanya, Michelle Cobb, Jolina dela Cruz, Leila Cruz at Thea Gagate.

Sasabak din sa giyera ang Lady Maroons ta­ngan ang malaking tiwala sa isa’t isa matapos maka­bawi at mailista ang unang panalo sa liga sa bisa ng four-set win kontra sa University of the East Lady Warriors, 25-23, 25-20, 18-25, 25-17.

Para kay UP head coach Godfrey Okumu, malaki ang respeto ng tropa sa La Salle dahil sa programang inilalatag niya at magandang hamon para sa ka­nila na pabagsakin ang isa mga malalakas na koponan sa liga.

“It’s always interesting when you play against La Salle. La Salle is a very good team and it doesn’t matter whether they have rookies or experienced players they are always a force to be reckoned with,” wika ni Okumu, kakapitan naman sina Isa Molde, Tots Carlos, Justine Dorog, Maristela Layug, Rem Cailing at Jessma Ramos.

vuukle comment

LA SALLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with