^

PM Sports

Blue Eagles dinagit ang PCCL crown

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lumipad nang mas ma­tayog ang Ateneo Blue Eagles para patunayan na sila pa rin ang may pi­nakama­lakas na collegia­te program sa bansa.

Tinalo ng Blue Eagles ang San Beda Red Lions, 57-46, para angkinin ang titulo bilang national champions sa 2020 Phi­lippine Collegiate Champions League (PCCL) ka­hapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Malaking follow-up ito para sa Ateneo na ki­nopo ang ikatlong sunod na korona sa UAAP na ki­natampukan ng maka­say­sayang 16-0 sweep sa Season 81.

Ang Ateneo rin ang na­nalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup noong nakaraang taon.

Trumangko sa atake ng Katipunan-based team ang bagong lider na si SJ Belangel na kumana ng  10 point, 2 rebounds, 2 assists at 2 blocks.

Tumulong sa kanya si Ange Kouame na may 17 points at 17 rebounds, habang may 11 markers si Troy Mallilin.

Ito ang pang-limang PCCL championship ng Blue Eagles na pinaka­ma­­rami sa kasaysayan ng liga.

 

vuukle comment

BLUE EAGLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with