Mavericks owner pinagmulta ng $500K
NEW YORK — Pinagmulta ng NBA si Dallas Mavericks owner Mark Cuban ng $500,000 dahil sa “public criticism and detrimental conduct” tungkol sa officiating.
Nagpadala rin ang liga ng memo sa mga koponan para ipaalala ang mga patakaran hinggil sa kilos at gawi ng mga team owners, coaches at iba pang team personnel habang may laro.
Sa memo ay nagbigay ang NBA ng panuntunan ukol sa proper conduct ng team personnel sa mga game officials.
Maliban sa team personnel at mga coaches ay hindi pinapayagan ang ibang tao na pumasok sa court habang may laro games.
Hindi rin sila maaaring gumamit ng “profane or objectionable language that might be heard by spectators during the game.”
Sinabi ni Cuban, umuupo malapit sa bench ng Mavericks, na papantayan niya ang multa at ido-donate sa heart transplant ng isang lalaki.
- Latest